2 patay, 17 sugatan sa knife attack sa Kawasaki City sa Tokyo

Sugatan ang nasa 17 katao kabilang ang walong bata sa insidente ng pananaksak sa isang park sa Tokyo, Japan.

Ang mga batang nasugatan ay nasa edad na anim hanggang pitong taong gulang pawang first-grade students ng isang private Catholic school na pasakay na sa kanilang school bus ng umatake ang suspek.

Sa pinaka-huling ulat may isang bata nasawi sa sa insidente na nangyari sa syudad ng Kawasaki.

Sinaksak din umano ng lalaki ang kanyang sarili bago siya maaresto ng mga pulis na kanyang ikinasawi.

Nagsimula ang pag-atake ng hindi pa nakikilalang lalaki sa isang bus station malapit sa train station sa siyudad.

Read more...