Nagsimula ang sunog dakong alas-3:00 ng madaling araw at mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa light materials at magkakadikit ang bahay sa lugar.
Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Myrna Omay na nasa Pook Malinis at agad na kumalat sa mga katabing tahanan.
Tinatayang nasa P80,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian sa sunog na tumagal ng higit sa isang oras bago tuluyang maapula.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon kung ano ang pinag-mulan ng apoy.
READ NEXT
DA umapela sa mga traders na itigil mula ang pag-aangkat ng mga pork products sa mga bansang may african swine fever
MOST READ
LATEST STORIES