Ang panawagan ay ginawa ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol kasunod ng outbreak ng African swine fever sa Hongkong at ilang lugar sa China.
Nagbabala si Secretary Piñol na bagaman hindi naman delikado sa tao ang mga pork products na kontaminado ng ASF, lubha naman itong mapanganib sa mga baboy.
Nauna nang hiniling ng kalihim sa Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapa-recall sa mga pamilihan ng mga processed pork products na inangkat sa mga bansang may ASF partikular na mula noong August 2018 kung kailan nagsimula ang naturang sakit.
Ipinaliwanag ni Piñol na nabubuhay pa rin ang ASF kahit na nasa delata.
Noong nakaraang linggo isang OFW mula sa Hongkong ang hinarang sa airport dahil sa pagdadala ng nasa 34 na luncheon meat.