Justice secretary Menardo Guevarra, itinalagang caretaker ng bansa habang nasa Japan si Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice secretary Menardo Guevarra bilang officer in charge o caretaker ng bansa.

Ito ay habang nasa Japan si Pangulong Duterte para sa 25th Nikkei International Conference.

Ayon kay Executive secretary Salvador Medialdea, si Guevarra ang mangangasiwa sa pang-araw-araw na trabaho sa sangay ng ehekutibo habang wala ang pangulo.

Wala namang ibinigay na paliwanag si Medialdea kung bakit si Guevarra ang itinalagang OIC.

Karaniwan na kasing iniaatang ng pangulo ang responsibilidad bilang caretaker kay Medialdea tuwing aalis ng bansa.

Hindi kasama si Medialdea sa Kapan at nasa bansa lamang.

Pero sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Inquirer, sinabi ni Guevarra na wala pang papel na inilalabas ang Palasyo ng Malakanyang para sa kanyang appointment bilang OIC o caretaker ng bansa.

Samantala kasama naman sa delegado ng pangulo sa Japan sina:

1. Secretary Teodoro Locsin, Department of Foreign Affairs
2. Secretary Carlos Dominguez III, Department of Finance
3. Secretary Emmanuel Piñol, Department of Agriculture
4. Secretary Mark Villar, Department of Public Works and Highways
5. Secretary Karlo Nograles, Secretary to the Cabinet
6. Secretary Ramon Lopez, Department of Trade and Industry
7. Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Department of Tourism
8. Secretary Arthur Tugade, Department of Transportation
9. Secretary Fortunato Dela Peña, Department of Science and Technology
10. Secretary Alfonso Cusi, Department of Energy
11. Secretary Eliseo Rio, Jr., Department of Information and Communications Technology
12. Secretary Ernesto Pernia, Director-General of the National Economic and Development Authority
13. Secretary Jose Ruperto Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office
14. Secretary Hermogenes Esperon, Jr., National Security Adviser and Director-General of the National Security Council
15. Secretary Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel
16. Mr. Carlito Galvez, Jr., Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity

Alas-4 ng hapon aalis ang pangulo papuntang Japan at uuwi ng bansa sa araw ng sabado.

Read more...