Eksakto 8 am, itinaas ang bandila ng Pilipinas sa harapan ng pinakamalaking mall sa Pasay City.
Dinaluhan ito ng kanilang mga security guard at ilang empleyado.
Tumagal ng isang minuto ang kanilang programa.
Ang National Flag Day alinsunod ng sa kautusan ng National Historical Commission of the Philippines na magbigay pugay sa ating watatwat na nagsusulong ng clean flag at pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Maliban dito, nagkaroon din ng sabay-sabay na flag raising ceremony sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila tulad ng Makati, BGC, Manila, Cavite, Pasig City, Las Piñas, Muntinlupa, South Superhighway at Parañaque.
Samantala, may nakataas na watawat ng Pilipinas sa kahabaan mg Roxas Boulevard at may mga
tarpaulin din na nakalagay na National Flag Day.