Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya pinakikinggan ng kanyang panganay na anak na si incoming Davao City congressman Paolo Duterte.
Sa talumpati kagabi ng pangulo sa oath taking ng mga bagong talagang government officials at prosecutors, sinabi nito na kailangan pa niyang idaan sa publiko at sa media ang kanyang panawagan sa anak na magbibitiw siya sa puwesto kapag itinuloy ng nakababatang Duterte ang pagtakbong speaker sa kamara.
Ayon sa pangulo, kailangan niyang makausap ang anak subalit ang problema ay hindi siya pinakikinggan.
Dagdag ng pangulo, may sariling buhay ang kanyang anak.
” So if you will insist — he does not listen to me. He has their own life to live. Good. And I’m putting the issue now where…” ayon sa pangulo.
Una rito, sinabi ng pangulo na neutral siya sa speakership at ayaw makialam sa usapin sa pagpili ng lider sa kamara.
” Speakership, neutral ako. My son Paolo, he’s being rooted to run. I will tell my son publicly now, we would have a talk. For the life of me, whether you believe it or not, Inday and I, my daughter, we have not talked about politics. About the only time when I asked her to be my running mate because I was — my running mate because I was positioning her kasi naka-three terms limit na ako.” ayon pa sa pangulo.
Samantala biyaheng Japan ngayong araw si Pangulong Duterte para sa 25th Nikkei International Conference
Alas tres mamayang hapon ang alis ng pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Walang departure speech ang pangulo.