Arestado ang 2 lalaki na nagbenta ng mga endangered na ibon sa entrapment operation sa Maynila.
Nailigtas ng Manila Police District (MPD) Station 7 ang dalawang myna na ibinebenta sa halagang P4,500 kada isa.
Ayon kay Rogelio Demelletes Jr. ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR), ang nasagip ay mga ibon na galing sa Palawan at ikinukunsiderang endangered.
Umamin sa krimen ang isa sa mga suspek pero ang isang kasama nito ay tumanggi.
Ayon sa suspek, sinubukan lang nilang magbenta para kumita at saka lang nito nalaman na endangered ang mga ibon.
Inaalam ng pulisya kung may hawak pang ibang endangered species ang mga suspek.
MOST READ
LATEST STORIES