DND pinagpapaliwanag sa hindi nabigay na tulong sa mga kawal na biktima ng Yolanda

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Department of National Defense (DND) kaugnay sa hindi pa rin nagagamit na P2.62 million na pondo para sa mga kawal na naapektuhan ng Typhoon Yolanda at magnitude 7.2 na lindol sa Central Visayas noong 2013.

Base sa 2018 annual audit report ng DND, ang P2.14 million na hindi nagamit na pondo ay mula sa Office of the President (OP) na inilaan para sa 151 mga sibilyan at military personnel na naapektuhan ng nasabing mga kalamidad.

Umaabot naman sa P2.295 million mula sa kabuuang P4.435-million na nagmula rin sa tanggapan ng pangulo ang inilaan sa iba pang mga beneficiaries.

Sinabi rin sa ulat ng COA na hindi pa nailalabas ang second trance ng pondo galing sa tanggapan ng pangulo dahil sa kabiguan ng DND na ma-liquidate ang naunang mga inilabas na pondo.

Ipinaliwanag rin ng COA na ang mga eligible beneficiaries ng tulong at tatanggap ng P100,000 para sa totally o heavily damaged houses o kaya naman ay P30,000 para sa partially damaged houses.

Pero nadiskubre ng COA na 76 lamang mula sa kabuuang 151 beneficiaries ang nakatanggap ng financial assistance.

Read more...