Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sagip Saka Act na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.
Sa ilalim ng Republic Act Number 11321 o Sagip Saka Act, inaaatasan ng gobyerno ang pagbuo ng farmer at fisherfolk enterprise program.
Nakapaloob sa bagong batas ang pagbibigay ng pamahalaan ng modernong teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda maging sa pagnenegosyo.
Popondohan din ng gobyerno ang pagsasaka at pangingisda sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access sa financing, credit grants at crop insurance.
Magiging benepisaryo ng programa ang mga magsasaka at mangingisda, producer groups at small at piling small and medium enterprises.
Nabatid na ang DA, DTI, DILG, at DOF ang magiging kinatawan sa bubuong farmers and fisherfolk enterprise development council.