Panelo: Sana’y na ang mga tao sa mga biro ng pangulo

Inquirer file photo

Dinipensahan ng Malacañang ang rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 kahapon sa Baguio City.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagpapatawa lamang ang pangulo kung kaya dapat nang masanay ang publiko.

Hindi rin naman maikakaila na palaging natatawa ang publiko kapag nagbibiro ang pangulo.

Sa graduation rites kahapon, tinanong muna ng pangulo ang mga kadete ng PMA kung ano ang naging kasalanan bago bigyan ng pardon.

Una ayon sa pangulo, rape, ikalawa drugs with rape with robbery at ikatlo ay ang pangri-rape sa mga babae sa Baguio City.

Biro ng pangulo, mistula na aniyang New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City ang PMA at mistulang naging pulis na ang mga kadete dahil sa ilang mga nasangkot sa kalokohan.

Matatandaang makailang beses nang binatikos ang pangulo dahil sa palaging pagbibiro ukol sa pangri-rape sa magagandang babae.

“He made some mischievous remarks to make people laugh. People have been so used to his jokes hence his audience always receive them with hearty laughter,” ayon pa kay Panelo.

Read more...