Villar pinaka-mayaman pa rin na senador, Trillanes may P7.5-M na asset

Inquirer file photo

Nananatili pa rin si re-elected Senator Cynthia Villar bilang pinakamayamang senador.

Nagdeklara si Villar ng net worth na P3.7 para sa taong 2018.

Base sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa website ng Senado, tumaas ito mula sa 3.6 Billion noong taong 2017.

Sumunod naman kay Villar ang Filipino boxing champion na si Senador Manny Pacquiao na may net worth na P3.006 Billion.

Nasa P3.1 Billion ang idineklara nitong assets habang P142 Million naman ang kaniyang liabilities.

Tumaas din ang net worth ni Pacquiao mula sa P2.9 Billion mula sa taong 2017.

Narito naman ang idineklarang net worth ng iba pang senador:

– Pangatlo, Senate President Pro Tempore Ralph Recto P555.3 Million.

– Pang-apat, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na may P182.9 Million.

– Pang-lima, Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara na may P135.8 Million.

– Pang-anim, Sen. Joseph Victor Ejercito na may P132.8 Million.

– Pang-pito, Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na may P97.73 Million.

– Pang-walo si Sen. Sherwin Gatchalian na may P96.21 Million.

– Pang-siyam si Sen. Grace Poe na may P93.04 Million.

– Pang-sampu si Sen. Richard “Dick” Gordon na may P71.29 Million.

Nananatili namang may pinakamababang net worth ay sina Senadora Leila De Lima na may P7.7 Million at si Senador Antonio Trillanes IV na may P7.53 Million.

Read more...