Alas 12:51 ng tanghali nang itaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Ang nasabing mga lugar ay makararanas ng malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat sa susunod na dalawang oras.
Parehong kondisyon na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng Santa Cruz, Candelaria, at Masinloc sa Zambales; Bamban, Tarlac; Lipa, San Jose, Cuenca, Agoncillo, Laurel sa Batangas, at sa bayan ng Lopez sa Quezon.
Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar ay pinapayuhang maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.
MOST READ
LATEST STORIES