May-ari ng Cleveland Cavaliers na-ospital dahil sa sintomas ng stroke

via AFP
Dinala sa ospital sa Detroit ang may-ari ng Cleveland Cavaliers na si Dan Gilbert dahil sa sintomas ng stroke.

Inaunsyo ng kumpanyang Quicken Loans ni Gilbert ang insidente.

Tumanggap na umano si Gilbert ng immediate medical attention at ngayon ay nasa recovery process na.

Si Gilbert na edad 57, ay ipinanganak at naninirahan sa Detroit.

Binili niya ang Cavaliers noong 2005 at habang nasa kaniyang pag-aari ay umabot sa limang beses na nakapasok sa NBA Finals ang koponan.

Taong 2016 nang nang maiuwi nila ang kampeonato.

Read more...