Ilang lalawigan na kalapit ng Metro Manila uulanin – PAGASA

Uulanin ang ilang lalawigan na kalapit ng Metro Manila ayon sa PAGASA.

Alas 11:50 ng umaga (May 27) nang magpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Tarlac, Zambales, Rizal, Cavite at Batangas sa susunod na dalawang oras.

Ang nasabing mga lugar ay nakararanas ng malakas na buhos ng ulan.

Samantala,nakararanas na rin ng parehong kondisyon ng panahon ang Mulanay, San Narciso, at Catanauan, Quezon; gayundin ang Santa Maria, Laguna.

Pinapayuhan ang mga residente sa nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...