Suspek sa pagpatay sa babaeng natagpuang nakasilid sa sako sa Muntinlupa naaresto na

Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa 22 anyos na babae sa Muntinlipa City na natagpuang nakasilid pa sa sako noong Sabado.

Ang suspek na kinilalang si Alexander Dimaunahan, 23 anyos ay natunton sa bahagi ng San Pablo City, Laguna.

Mismong ang ama ng suspek ang nakipagtulungan sa mga pulis at habang sila ay nasa daan patungong Liliw ay nakasalubong nila si Dimaunahan.

Si Dimaunahan ang suspek sa krimen na masugid na manliligaw ng biktimang si Sheva Adare Mae Prementil.

Ang kaibigan ni Prementil ang nakakita sa mga kalmot sa leeg ni Dimaunahan bago natagpuan ang bangkay ng biktima.

Inamin naman ni Dimaunahan ang krimen na nagsabing nagdilim umano ang paningin niya nang malamang may karelasyon na pala ang nililigawang biktima.

Sa rekord ng pulisya, taong 2016 ay dati nang naatesto sa buy-bust operation si Dimaunahan at noong 2018 naman sa kasong frustrated murder.

Read more...