Oposisyon dapat bantayan sa huling tatlong taon ng Duterte administration

Pinayuhan ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang publiko na maging mapagmatyag sa huling tatlong taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Andanar, dapat bantayan ang mga taga-oposisyon lalo na ang mga nag aambisyon na maging presidente ng bansa.

Nakatututok aniya ang mga taga-oposisyon lalo na ang mga mahihilig sa pulitika.

Hindi naman direktang tinukoy ni Andanar kung sinong mga personalidad sa oposisyon ang dapat na bantayan.

Una rito, ibinunyag ni Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy na si Vice President Leni Robredo, ang Liberal Party at si Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” video na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga at naglalayong patalsikin sa puwesto ang punong ehekutibo.

Read more...