Jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 aabot na sa P210M

Aabot na sa P210 million ang estimated jackpot prize para sa 6/55 Grand Lotto ngayong araw (may 27.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ito ay makaraang hindi mapanalunan ang mahigit P203 million na jackpot sa Grand Lotto noong Sabado, May 25).

Ang winning number combination para sa Grand Lotto noong Sabado ay 2 9 49 21 24 11.

Samantala, aabot naman na sa P16 million ang estimated jackpot prize para sa Mega Lotto 6/45.

Wala din kasing nakapag-uwi ng mahigit P13 million sa Mega Lotto noong Biyernes (May 24) kung saan ang winning number combination ay 30 26 21 13 33 11.

Ang draw para sa Grand Lotto ay tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Habang ang Mega Lotto naman ay Lunes, Miyerkules at Biyernes ang draw.

Read more...