1 patay, 18 sugatan sa malakas na lindol na tumama sa Peru

Isa na ang naitalang nasawi habang 18 pa ang nasugatan sa malakas n alindol na tumama sa Peru.

Magnitude 8.0 ang lakas ng lindol na nagresulta din sa pagkawasak ng aabot sa 50 mga bahay.

Ayon kay Ricardo Seijas, civil defense coordinator ng Peru, ang nasawi ay nakilalang si Danilo Munoz, 48 anyos na natutulog nang tumama ang lindol alas 2:41 ng madaling araw ng Linggo (May 26).

Nabagsakan si Munoz ng mga debris sa kaniyang bahay.

Ayon kay Peru President Martin Vizcarra, ito na ang maituturing na most powerful quake sa kanilang bansa sa nakalipas na 12-taon.

Read more...