Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, malaking bahagi ng Luzon ang makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Kabilang dito ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon at CALABARZON.
Ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa nasabing mga lugar ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.
Samantala, sa Metro Manila, MIMAROPA at Western Visayas naman ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa epekto ng southwesterly surface windfow.
Habang bahagyang maulap na papawirin lamang na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng bansa.