Daloy ng traffic sa Marcos Highway maagang sumikip dahil sa pagsasara ng eastbound lane ng Marcos Bridge

CREDIT: Taytay Rizal – LGU

Maagang nagsikip ang daloy ng traffic sa Marcos Highway partikular sa linyang patungo ng Cubao, Quezon City.

Ito ay matapos ang pormal na pagsasara ng eastbound lane ng Marcos Bridge ala 1:00 ng madaling araw kahapon araw ng Linggo.

Alas 5:03 ng umaga ay mabagal na ang usad ng mga sasakyan sa Marcos Highway.

Pinayuhan na ng MMDA ang mga motorista na dumaraan ng Marcos Highway na magdagdag ng oras sa kanilang biyahe at agahan ang alis sa kanilang bahay.

Ang mga sasakyan na galing ng Antipolo at patungo sa Cubao area ay sa service road sa tapat ng SM City Marikina pinadaraan.

Ang mga patungong Antipolo naman ay sa westbound lane ng Marcos Bridge dadaan.

Apat na buwan tatagal ang rehabilitasyon ng tulay.

Read more...