2 patay, mahigit 50 sugatan sa banggaan ng bus at truck sa Atimonan, Quezon

(UPDATE) Patay ang dalawang katao habang hindi bababa sa 50 ang sugatan sa aksidente na naganap sa Atimonan, Quezon, Lunes (May 27) ng madaling araw.

Sangkot sa aksidente ang isang pampasaherong bus ng Mark Eve’s Transit at isang trailer truck.

Naganap ang banggaan pasado alas 12:00 ng madaling araw kanina sa bahagi ng Diversion Road sa Brgy. Santa Catalina.

Agad isinugod sa ospital ang nasa 57 sugatan na karamihan ay pasahero ng bus.

Habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang naging dahilan ng aksidente.

Read more...