3,000 pulis ipakakalat sa Central Luzon sa pagbubukas ng klase sa June 3

Aabot sa 3,000 pulis ang ipakakalat sa mga paaralan sa Gitnang Luzon para tiyakin ang seguridad sa muling pagbubukas ng klase sa Lunes, June 3.

Ayon kay Central Luzon police information officer Lt. Col. Fe Grenas, magkakaroon ng police assistance desks sa mga paaralan para rumesponde sa pangangailangan ng mga estudyante at magulang.

Mahigpit din anyang babantayan ang mga airports at pantalan maging ang mga bus terminals para maiwasan ang anumang untoward incident.

Dagdag pa ni Grenas, nakikipag-ugnayan din ang pulisya sa mga alkalde para sa pagmamando ng trapiko.

Read more...