M3.4 na lindol naitala sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar kaninang alas-1:02 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 66 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng San Policarpio.

May lalim ang pagyanig na 61 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...