Pangulong Duterte hindi namahagi ng diploma sa PMA graduation rites dahil sa antok

Isang bagay ang hindi naging pangkaraniwan sa naganap na graduation rites ng higit 260 miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Mabalasik” Class 2019 araw ng Linggo sa Baguio City.

Ito ay matapos hindi pamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng diploma na tradisyonal na trabaho ng presidente.

Nagbigay lamang ng diploma si Duterte sa class valedictorian ng Class 2019.

Si Defense Secretary Delfin Lorenzana na ikalawang pinakamataas na opisyal ng Tanggulang Pambansa ang nagpatuloy sa pamamahagi ng diploma.

Ayon kay Lorenzana, inaantok ang pangulo.

Ito ang kauna-unahang beses sa modern era ng PMA na iniutos ng pangulo ang distribusyon ng diploma.

Sinabi naman ni MA Spokesman Major Reynan Afan, prerogatibo ng presidente kung siya ang mamamahagi ng diploma o may uutusan siya sa ilalim ng kanyang awtoridad.

Read more...