Mag-asawang senior citizen, natagpuang patay sa sariling bahay sa Quezon City

Natagpuang patay ang mag-asawang senior citizen habang sugatan ang kanilang kasambahay matapos silang pagsasaksakin mismong sa sariling bahay sa Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City araw ng Linggo.

Ayon kay Police Lt. Col Rossel Cejas, kinilala ang mga biktima na sina Nicolas Austria at kanyang asawang si Leonora kapwa 80 anyos at Edith Fernandez, kasambahay.

Natagpuan na lamang ni Maria Liza, anak ng dalawang matanda na nakahandusay na ang kanyang mga magulang at kasambahay.

Ani Cejas, tinitingnang motibo sa krimen ay pagnanakaw dahil nagkalat ang gamit sa kwarto ng mga biktima.

Naisugod naman si Fernandez sa ospital.

Sa ngayon inaalam pa ang eksaktong oras ng pagnanakaw at kung may CCTV sa lugar.

Read more...