2 arestado dahil sa droga sa Maynila

Timbog ang dalawang lalaki sa isinagawang anti-criminality operations ng pulisya sa Brgy. 425, Sampaloc, Maynila.

Sa impormasyon ng Sampaloc Police, nakilala ang mga suspek na sina Gaudencio Semacon at Enrique Vengero kapwa residente sa lugar.

Sinubukang tumakas ng dalawang suspek ngunit nahabol ng mga pulis sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Blvd.

Nakuhaan ang mga ito ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P600.00.

Mahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...