Suspek sa pananaksak arestado sa Occidental Mindoro

Natimbog ng mga pulis ang isang lalaking suspek sa pananaksak sa sariling kainuman araw ng Linggo sa Calintaan, Occidental Mindoro.

Ayon kay MIMAROPA Police Regional Office chief Lt. Col Socrates Faltado, nakilala ang suspek na si Manuel Laciste, 24 anyos na sumakay ng isang pampasaherong van alas-9:45 ng umaga.

Planong tumakas ni Laciste matapos mapatay ang kainumang si Antonio Quimoyog.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pananaksak ni Laciste at agad ikinamatay ni Quimoyog.

Ayon kay Faltado, nakarekober sila ng isang talampakang patalim mula sa suspek.

Read more...