Brgy. Ginebra, nakakuha ng unang panalo vs Meralco

Nakasungkit ang Barangay Ginebra ng kanilang unang panalo laban sa Meralco para sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Nanalo ang Gin Kings sa iskor na 110-95.

Naging matindi ang depensa ng koponan pagkatapos ng halftime break para dominahan ang Meralco.

Nakapagtala ng double-double score si Justin Brownlee na may 27 points, 12 rebounds at 8 assists.

Nakapag-ambag din sina Japeth Aguilar ng 19 points habang si Art Dela Cruz ay 16 points.

Dahil dito, mayroon nang 1-1 win-loss record ang Ginebra habang 1-2 win-loss record naman ang Meralco.

Read more...