Ayon kay Immigration chief Jaime Morente, nag-ugat ang ikinasang operasyon laban sa anim dahil sa mga natatanggap na reklamo ng ahensya sa Mindanao region.
Naaresto ng Mindanao Intelligence Task Group ng BI ang Chinese national na si Tony Co na kilala rin bilang Alex Ubalde.
Nahuli si Co sa Cagayan de Oro noong May 20.
Walong taon nang overstaying si Co sa Pilipinas.
Samantala, naaresto ang dalawang Indonesian national na sina Jimbris Da Lema at Supian Undingan ng Criminal Investigation and Detection Group sa General Santos City noong May 15.
Ayon kay Morente, sina Da Lema at Undingan ay nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo.
Naaresto rin ang Sri Lankan national na si Warnakula Weerasuriya Jayathilaka o mas kilala bilang Anton Rowel sa Tagum City sa Davao del Sur.
Inireklamo ito dahil sa matagal na mananatili sa Pilipinas.
Noong May 16 naman, naaresto ang Koryanong si Kim Yoonsig dahil sa pagiging undocumented alien at kabilang sa blacklist ng ahensya.
Isang overstaying alien din ang Amerikanong si Branden Fitzgeral Dandridge na namamalagi sa isang resort sa Davao City.
Kasunod ng mga operasyon, umapela si Morente sa publiko na i-report ang kinaroroonan at aktibidad ng mga illegal immigrant sa Pilipinas.