Sa pinakahuling datos ng DOH-Epidemiology Bureau, nasa 74,273 na ang kaso ng Dengue simula January 1 hanggang May 11 ngayong taon.
Malayo ang itinaas nito kumpara sa 39,449 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa nasabing bilang, 312 rito ay mga nasawi dahil sa sakit.
Karamihan sa mga apektado ng sakit ay may edad 5 hanggang 9.
Pinakamaraming naitalang kaso ng Dengue sa Calabarzon na may 8.150 na kaso.
Sumunod ang Central Visayas na may 7,718 na kaso at Western Visayas na may 6,671 na kaso.
Nasa 6,116 na kaso naman ang naitala sa National Capital Region (NCR) habang 5,723 na kaso sa Northern Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES