Lakas ng tumamang lindol sa Northern Peru, itinaas sa magnitude 8

Photo grab from USGS’ website

Itinaas sa magnitude 8 ang tumamang lindol sa northern Peru, Linggo ng hapon.

Sa unang abiso ng United States Geological Survey (USGS), may lakas ang lindol sa magnitude 7.5.

Naitala ang episentro ng lindol sa 80 kilometers Southeast ng Lagunas habang 158 kilometers east northeast naman ng bayan ng Yurimaguas.

May lalim ang lindol na 114 kilometers.

Yumanig ang lindol bandang 2:41 ng madaling-araw sa Peru.

Wala namang napaulat na nasawi sa lindol.

Wala ring naitalang matinding pagkasira sa mga gusali at imprastraktura sa lugar.

Read more...