Pangulong Duterte, nagbitaw ng rape joke sa PMA graduation

Photo grab from Presidential Communications (Government of the Philippines) Facebook page

Bumanat na naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang rape joke sa graduation ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019.

Sa talumpati ng pangulo, tinanong nito ang mga kadete ng PMA kung ano ang kanilang mga naging kasalanan bago bigyan ng pardon.

Karaniwan kasing binibigyan ng pardon ang mga second class, third class at fourth class cadets ng PMA.

“Patawarin ko kayo. The number one is for rape, p****** i**. Ang number two is drugs with rape with robbery.. parang sa Muntinlupa ito. Pangatlo, multiple rape of the women of Baguio, the beautiful one, you have to be, show to me your face. Who are to be pardoned,” pahayag ni Duterte.

Sinabi pa ng pangulo na mistulang naging pulis na ang mga kadeta at ayaw umamin sa mga kasalanan.

Sa huli, sinabi ng pangulo na bibigyan niya ng pardon ang mga kadeta dahil kailangan ng bansa ng matino at magagaling na mga sundalo.

Read more...