Pangulong Duterte, biniro si VP Robredo sa PMA graduation

Photo grab from Presidential Communications (Government of the Philippines) Facebook page

Pabirong pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo dahil sa hindi pag-smile o pag-ngiti sa kaniya sa graduation ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 sa Baguio City.

Sa talumpati ng pangulo, tinanong nito si Robredo kung bakit hindi nag-smile sa kaniya samantalang dati ay ngumingiti naman sa kaniya.

“Bakit noon Ma’am nag-smile ka sa akin? Ngayon hindi na. Ikaw ha?,” pahayag ni Duterte.

Magkatabi sina Duterte at Robredo sa PMA graduation.

Bago pa man nagsimula sa kaniyang talumpati, kinamayan muna ni Duterte si Robredo.

Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sina Duterte at Robredo matapos idawit ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ na si Robredo, Liberal Party (LP) at Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik sa puwesto sa punong ehekutibo.

Read more...