Makararanas ng matinding pag-ulan na may kidlat at malakas na hangin ang Zambales, Bataan at Quezon, Linggo ng hapon.
Sa 4:00 PM update ng PAGASA weather bureau, iiral ang nasabing sana ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Mararamdaman din ang sama ng panahon sa Metro Manila partikular sa Caloocan, Maynila, Parañaque, Quezon City, Valenzuela, Malabon, Navotas, Pasay, Makati, Marikina at San Juan.
Apektado rin ang bahagi ng Capas, Bamban at Concepcion sa Tarlac; Cuyapo, Lupao, San Jose, Munoz, Talugtug, Talavera, Llanera, General Mamerto Natividad at Cabanatuan sa Nueva Ecija.
Maliban dito, uulanin din ang Mabalacat, Macabebe at Apalit sa Pampanga; San Ildefonso, Dona Remedios Trinidad, San Rafel, Norzagaray, Santa Maria, Angat at Pandi sa Bulacan; Indang, Amadeo, Silang, General Trias, Dasmariñas at Carmona sa Cavite.
Parehong sitwasyon din ng panahon ang iiral sa San Pedro, Biñan, Kalayaan, Lumban at Pagsanjan sa Laguna; Talisay, Tanauan, Cuenca, San Jose, Lipa, Mataas Na Kahoy at Balete sa Batangas, at sa Antipolo, Cainta, San Mateo sa Rizal.
Inabisuhan naman ang mga residente sa mga nasabing na lugar na maging alerto sa posibleng pagbabaha at landslides.