Gardo Versoza, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz girlfriend

Photo grab from Gardo Versoza’s Instagram account

Ikinasal na ang aktor na si Gardo Versoza sa kaniyang long-time non-showbiz girlfriend na si Ivy Vicencio.

Naging simple ang outdoor wedding ceremony sa El Kabayo Stables sa Pampanga.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang larawan kung saan makikitang nakasuot ng sports attire ang dalawa sa halip na wedding gown at suit.

Dumalo sa kasal ang ilan nilang kasamahang biker at Cupcake Biker 143 group.

Naging engaged ang dalawa simula noong February 2019 at magkasama nang 13 taon.

Read more...