Kabilang sa mga nasawi ang limang Mexican Navy at isang inspektor ng kanilang national forestry commission.
Ayon kay Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador, naganap ang aksidente sa isang remote area sa north-central state ng Queretaro.
Nagsasagawa aniya ng operasyon ang mga biktima para apulahin ang sunog sa isang gubat nang mangyari ang aksidente.
Ayon naman sa Mexican Navy, nag-take off ang MI-17 helicopter mula sa Valle Verde sa San Luis Potosi dala ang 2,500 na litro ng tubig para sa nasabing operasyon.
Sa isang public ceremony, nagparating ng pakikiramay naman si Obrador sa mga naiwang kaanak ng biktima.
Matatandaang ilang buwan nang nagkakaroon ng wildfire sa central Mexico dahil sa bihirang pag-uulan at mataas na temperatura sa lugar.