Pangulong Duterte, may paalala sa bagong PMA graduates

Photo grab from Presidential Communications (Government of the Philippines) Facebook page

Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong graduates ng Philippine Military Academy (PMA) na maging mabuti at mapagkumbabang sundalo.

Sa graduation ceremony sa Baguio City, sinabi ng pangulo na dapat ding maging malakas ang loob at tapat sa misyon ang mga bagong sundalo.

Ito aniya ay para sa magsisilbi para protektahan ang mga mamamayang Filipino, sa Konstitusyon, soberanya at integridad ng bansa.

Dagdag pa ng pangulo, dapat manatili ang pagiging handa na matuto sa mga pagdadaanang operasyon nang may disiplina.

Respetuhin din aniya ang mga senior official na nagturo, nagdasal at naniwala sa kanilang kakayanan.

Nasa 261 miyembro ng PMA Mabalasik Class of 2019 ang nagtapos sa katatapos na graduation ceremony.

Read more...