Ayon kay Eleazar, maaring may mapulot rin sa mga kasinungalingang sinasabi ng nasa likod umano ng “Ang Totoong Narcolist” videos.
Maaring magturo ito sa kung sino ang nagtutulak sa mga ginagawa ni Advincula na inaagaw na ang pansin ng gobyerno, publiko, at ng media.
Dinepensahan naman ni Eleazar ang pagpayag ng Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng press conference si Advincula sa Camp Crame at sinabing nais lamang anila na malaman kung sino ang nasa likod ng isyung ito.
Kahapon ay tuluyang nakalabas si Advincula mula sa Camp Crame matapos bumuti ang pakiramdam at makapagpyansa para sa kasong estafa at illegal recruitment.
Hindi na rin umano kailangan bantayan si Advincula ayon kay PNP Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) National Capital Region (NCR) chief Police Lieutenant Colonel Arnold Ibay.