Ito ay may kaugnayan sa kabiguan ng Canada na kunin ang tone-toneladang basura na itinapon sa bansa noong 2013 at 2014.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong May 20, 2019, pinagbabawalan din ng pangulo ang mga nasa government owned, controlled corporations at government institutions na magbigay ng travel authorities sa Canada.
Pinalilimtahan na rin ng pangulo sa mga government agencies ang pagkakaroon ng official interaction sa mga kinatawan ng Canadian government.
Ayon kay Panelo, ang memorandum ay alinsunod na rin sa mariin na paninindigan ni Pangulong Duterte na hindi nababahala ang Pilipinas na putulin ang diplomatic ties ng Pilipinas sa Canada kung hindi kukunin ang basura.
Nagsimula na aniya sa pamamagitan ng pagrecall ng Pilipinas sa ambassador at consul general nang mabigo ang Canada na makamit ang itinakdang May 15 deadline para kunin ang basura.
Una rito, ipinag utos na ng pangulo ang paghahanap ng private shipping company na magdadala ng basura sa Canada.
Aakuin na rin ng gobyerno ng pilipinas ang gatusin sa pagbabalik ng basura sa Canada.