Ang napatay na mga bata ay kinilalang sina Saiful Abdun, 1 taong gulang at Jahida Usab, 12 anyos.
Limang sundalo at dalawang sibilyan naman ang sugatan sa insidente.
Ayon sa press release na inilabas ng Joint Task Force (JTF) Sulu, isang platoon ng 6th Special Forces Battalion ang nagtungo sa lugar upang kausapin ang mga residente patungkol sa ilang proyekto.
Bigla na lamang inatake ng 30 miyembro ng Abu Sayyaf ang tropa ng militar sa lugar.
Ang pag-atake ay nagdulot ng palitan ng putok ng dalawang kampo na tumagal ng 30 minuto.
Sinabi naman ni JTF Sulu Commander Brigadier General Divino Rey C. Pabayo Jr. na ang pagkakapaslang ng dalawang bata at pagkadamay ng dalawang sibilyan ay isang repleksyon kung paano nagtatamin ng takot ang Abu Sayyaf sa mga mamamayan.