Ayon kay ACT teachers Representative France Castro, ito ang pangako ni Bong Go noong nangangampaya siya para sa kaniyang kandidatura sa pagkasenador.
Pahayag ni Castro, sa planong pagbubukas ng 18th Congress sa July 1, ipapasa ang bill na nagtataas ng sahod ng mga teacher 1 na P30,000, P16,000 para non-teaching personnel, at P31,000 para sa instructors sa mga state universities.
Aniya, hanggang ngayon ay wala paring kongkretong sagot ang pangulo sa apela ng mga guro na taasan ang kanilang sahod.
Umaasa naman ni Castro na tutuparin ni Go ang kanyang pangako na uunahin nito ang sahod ng mga guro sa ating bansa.