Kinilala ang mga suspek na si Romel Lagasca, 47 taong gulang, elevator technician na residente ng Barangay San Roque at si Joseph Abalio alyas “Otep:, 48 anyos, tricyle driver at residente ng Rosario Silangan sa Pateros.
Nakuha sa mga suspek ang playing dice, P60.00 na pamusta, at nakuha kay Abalio ang isang sumpak at 12-gauge shotgun.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa batas konta illegal gambling.
Posibleng kaharapin ni Abalio ang kasong paglabag sa Comprehensive Firearm and Ammunition ng Omnibus Election Code dahil sa umiiral na gun ban sa kasalukuyan.
Pansamantalang nakadetine ang dalawa sa Pateros Municipal Station Custodial Facility.