Eastbound lane ng Marcos Bridge, sarado na sa publiko

Sarado na ang eastbound lane ng Marcos Bridge sa Marikina City kaninang 1:00 ng umaga, araw ng Linggo, May 26.

Ito ay bilang pagbibigay daan sa rehabilitasyon ng tulay na nag-umpisa ngayong araw.

Magtatagal ang pagsasara sa nasabing daan ng apat na buwan ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.

Unang inanunsyo na isasara ang daan alas 11:00 ng gabi ng Sabado ngunit naantala ito ng dalawang oras.

Sa kasalukuyan ay may mga MMDA personnel sa tulay na nag-aayos ng daloy ng trapiko sa lugar.

Paalala naman ng MMDA sa mga motoristang dapat dadaan sa Marcos Bridge na tumuloy na lang sa mga itinalagang alternatibong ruta.

Read more...