Bato dela Rosa prioridad isulong ang mandatory military service

Prioridad ni Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa ang paggawa ng panukalang batas na nagsusulong ng mandatory military service sa mga kabataan kaysa isama lang sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ayon kay dela Rosa, sa ibang bansa pagtungtong ng mga kabataan sa edad na 18 ay obligado ang mga ito na magsilbi sa militar ng dalawang taon.

Wala umanong pakielam ang gobyerno sa estado ng pamumuhay o kung prominenteng tao.

Makakatulong aniya ito sa pagpapabuti ng territorial defense ng bansa.

Noong nakaraang linggo ay pasado na sa huling pagbasa ng kongreso ang panukalang batas na nagmamandato sa mga estudyante ng senior high school na sumailalim sa ROTC.

Read more...