Maulang panahon sa mga lalawigan asahan ngayong araw

Magiging maulan ang papawirin na may kasamang pagkulog at pagkidlat ngayong Linggo, May 26, 2016.

Sa Thunderstorm advisory na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) alas 6:20 ng umaga, makakaranas ng malakas na pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga mamamayan sa posibleng mga pagbaha at landslides dulot ng pag-ulan.

Read more...