MMDA: Higit 30 min. dagdag oras sa biyahe asahan sa Marcos Bridge rehab

Tuluyan nang isinara Sabado ng gabi ang bahagi ng Marcos Highway bridge na nag-uugnay sa Katipunan Avenue sa Quezon City at sa lungsod ng Marikina gayundin sa Taytay at Antipolo sa Rizal.

Ayon sa MMDA, tatagal hanggang Sityembre ang rehabilitasyon ng tulay.

Unang isinara ang eastbound lane ng Marcos bridge, sunod ang westbound lane.

Noong May 4 ang unang petsa ng partial closure ng tulay pero hindi ito natuloy dahil hindi pa umano handa ang contractor sa implementasyon ng proyekto.

Ayon sa MMDA, dahil sa pagsasara ng lugar ay asahan na ang dagdag na 30 minuto o mahigit pa sa biyahe ng mga motorista.

Mahigit 6,000 na libong motorista ang inaasahang apektado ng pansamantalang pagsasara ng tulay.

Una nang nag-abiso ang MMDA sa mga alternatibong ruta na pwedeng gamitin.

 

 

 

 

Read more...