4 arestado sa buy bust sa Cavite

Arestado ang 4 na suspek sa buy bust operation sa Cavite Sabado ng gabi.

Ayon sa Dasmariñas Police, naaresto ang mga suspek sa Barangay Victoria Reyes.

Nakuha sa apat ang 13 sachet ng shabu na may timbang na 30 gramo at nagkakahalaga ng P195,000.

Ang mga naarestong suspek ay sina Godofredo Manalo, Wilfred Candano, Joselito Teodoro at Erin Islajon.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...