Zarate: ‘Bikoy’ isang decoy para malihis ang isyu sa resulta ng eleksyon

Naniniwala si Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate na isa lamang “decoy” si Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si Bikoy na nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist videos.”

Ayon kay Zarate, maraming isyu na dapat pag-usapan bunsod ng resulta ng halalan noong May 13.

Duda ang kongresista sa timing ng paglabas ni Bikoy dahil na-divert anya ang atensyon mula sa mga naging problema sa eleksyon.

Iginiit ni Zarate na dapat naka-focus ang atensyon ng publiko sa nangyari sa eleksyon at ang anya’y pag kontrol ng administrasyon sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Read more...