Ancajas: Thurman malalaglag kapag sumabay kay Pacquiao

Sa tingin ni Filipino world boxing champion Jerwin Ancajas, magiging problema para kay Keith Thurman kapag sinabayan nito ang galaw ni Senator Manny Pacquiao.

Naniniwala ang world junior bantamweight champ na mas malakas pa rin si Pacquiao kaysa kay Thurman sa kabila ng edad nito.

Ayon kay Ancajas, kapag sumabay si Thurman sa Pambansang Kamao ay malalaglag ang undefeated American boxer.

Paliwanag ni Ancajas, dahil sa malawak na karanasan ni Pacquiao sa boxing, makakakita ito ng magandang opening para paulanan ng suntok si Thurman.

Lamang anya si Pacman habang si Thurman ay bumibitaw kaya pwede itong opening para siya tamaan.

Una nang sinabi ni Thurman na tatapusin na niya ang boxing career ni Pacquiao pero ang fighting Senator sinabi na siya ang magbibigay ng unang talo ng Amerikanong boksingero.

 

 

Read more...