Pope Francis kinondena ang aborsyon

Iginiit ni Pope Francis na hindi katanggap-tanggap ang aborsyon dahil nangangahulugan anya ito ng pagkuha sa isang paid killer.

Sa conference sa Vatican, kinuwestyon ng Santo Papa kung legal ba ang aborsyon sa pagresolba sa isang problema.

Lalabas anya na parang legal ang pagkuha ng paid killer para resolbahin ang problema.

Ang pahayag ng Papa ay may kaugnayan sa paggamit ng aborsyon kung ang hindi pa ipinapanganak na sanggol ay may malalang sakit.

“No human being can ever be incompatible with life,” he said, adding: “Every child is a gift that changes the history of a family… and this child needs to be welcomed, loved and cared for,” ani Pope Francis.

Paliwanag ng Santo Papa, sa pagkakataon na hindi magtatagal ang buhay ng sanggol, hindi dapat magsagawa ng aborsyon bagkus ay kailangan ang medical care dahil sa pamamagitan nito ay may pagkakataon ang magulang na paghandaan ang kamatayan ng anak.

 

 

 

 

 

 

Read more...